Saturday, November 28, 2015

Dad's Review - Montero Sport's Sudden Unintended Acceleration

Ilang taon din tumulo ang laway ko sa kakatingin sa Montero Sports (MS). Para sa akin, simple at hindi naluluma ang design ng kasalukuyang Montero Sports lalo na at maluwag ito sa loob bukod pa sa malakas na makina.

Next year ay magkakaroon na ng bagong modelo ang MS dito sa atin kaya nagbibigay nang malaking discount and Mitsubishi Motors. Naingganyo tuloy ako na bumili ng GLS-V SE dahil ayaw ko ng itsura ng bagong MS. Ano pa ang aayawan mo sa 200 thousand pesos discount plus low downpayment, kasama na doon ang lahat ng dapat mong bayaran kapag ikaw ay nag car loan tulad ng chattel, insurance at LTO. May lifetime free GPS access pa ito.

Sa madaling salita, may GLS-V na ako sa wakas, limited edition pa! Kailangang ibenta ko nga lang ang mahigit 7 taon naming family car na Nissan Grand Livina dahil iisa lamang ang aking garahe at wala namang gumagamit ng sasakyan sa amin kapag nasa trabaho ako.

Bakit MS gayung marami na raw kaso ng Sudden Unintended Acceleration (SUA) ang sasakyang ito. Aware ako sa SUA ng MS dahil putok itong balita ilang taon na ang nakakaraan. Nakakagulat nga lamang at nabuhay ulit ang issue na ito at karamihan ng kaso ay noong 2011 pa.

Bago ako magbigay ng aking saloobin sa bagay na ito ay nais kong ipaalam sa mga nagbabasa ng post na ito na mahigit 10 taon na akong nagmamaneho ng automatic. Marunong din ako sa manual dahil puro full 4x4 ang service ko sa Yemen.

Ano ang pagkakaiba ng MS, particular na yung mga naunang modelo, sa ibang SUV? Ito lamang ang modelo ng SUV na walang brake interlock ang kambyo. Ito ang nakikita kong dahilan bakit ang MS lang ang may ganitong kaso at wala sa ibang car brand dito sa Pilipinas. Sa aking pagkakaunawa, puede mo ilipat-lipat ang kambyo mula sa Park (P), Reverse (R), Neutral (N) at Drive (D) ng hindi tinatapakan ang preno. 

Para sa kaalaman ng lahat ganito ang pagkakaiba ng walang brake interlock sa kambyo sa merong interlock. Ginawa ko na lang simple para mas madaling maunawaan.


Park to Reverse  

Ibang Car Brand:

Hindi mo maililipat sa Reverse "R" ang kambyo mula sa Park "P" pag hindi nakatapak sa brake pedal.

Old MS (walang brake pedal interlock)

Puede ilipat sa Reverse "R" ang kambyo mula sa Park "P" kahit hindi nakatapak sa brake pedal. Pag gas ang natapakan ay aatras ng mabilis.


Park to Drive

Ibang Car Brand:

Hindi mo maililipat ang kambyo sa Drive "D" mula sa Park "P" pag hindi nakatapak sa brake pedal.

Old MS (walang brake pedal interlock)
       
Puede mo ilipat sa Drive "D" and kambyo mula sa Park "P" kahit hindi nakatapak sa brake pedal. Pag gas ang natapakan ay aabante ng mabilis at pag umabot sa VGT rpm ay haharurot.

Mapapansin ninyo kung gaano kalapit sa disgrasya ang lumang modelo ng MS na automatic. Dito pa lang ay malinaw na ang dahilan kung bakit puro automatic na MS ang nakakaranas daw ng SUA. Sabi nga, "no room for error." Pero paano pag ikaw ay nagkamali? Ano sa tingin ninyo ang maaaring mangyari? Sa libo-libong may-ari ng lumang modelo ng MS na automatic transmission ay hindi puedeng walang nagkakamali lalo na kung first timer o bago pa lamang nagmamaneho ng automatic transmission. Hindi maikakaila na may mga aksidente na ang dahilan ay maling tapak ng driver at ito ay nangyari na  rin sa ibang tatak at modelo ng mga sasakyan sa buong mundo. Kahit ako minsan ay namamali ng tapak sa aking Grand Livina; imbes na preno ay gas ang aking natatapakan sa simula. Mabuti na lamang at hindi ko puede ilipat ang kambyo mula sa "P" papuntang "D" dahil may brake interlock ang aking sasakyan. Sa aking pananaw, dito may pagkukulang ang Mitsubishi Motors. Dapat lamang na naglagay sila ng brake interlock sa mga lumang modelo ng MS dahil kahit mga mas lumang modelo na sasakyan na automatic transmission ay meron ng ganitong safety feature.

Sa 97 na kaso ng MS SUA ay aminin natin na ilang kaso ay madaling mapatunayan na driver error lalo na at maraming kaso ng SUA ay nagsisimula pa lamang paandarin ang kanilang MS o kaya ay nagmamaniobra tulad ng viral video na kung saan ay ilang motorsiklo ang naatrasan at ilang kotse naman ang nabangga; habang nangyayari yun ay hindi umilaw ang mga brake lights ng MS.

Hindi ko nilalahat na ganito ang kaso ng ibang SUA dahil hindi ko naman alam kung ano talaga ang  aktwal na nangyari sa iba. Pero hindi pa nauulit ng kahit sinong eksperto sa sasakyan ang MS SUA at sa loob ng ilang taon ay wala pa ring eksperto sa sasakyan na nagkumpirma na ang dahilan ng MS SUA ay dahil may sira sa sasakyan o sa electronic control nito.

Maaari nating sabihin na electronic fault, program fault, sensor failure at kung ano-ano pa. Kaya tama lamang na pinag-aaralan ngayon ng mga eksperto ang problema. Maghintay na lamang tayo ng resulta ng kanilang pag-aaral. Huwag na tayong magmarunong sa mga bagay na kulang tayo sa kaalaman. Pero sa ngayon ay iisa pa lamang ang kongkretong napapatunayan, may mga nagkamaling driver na nagresulta sa SUA dahil sa kakulangan ng safety feature ng lumang modelo ng MS.

Kung meron mang naging mabuting resulta ang mga SUA na ito ay siguro ng lagyan na ng Mitsubishi ang mga bagong modelo ng MS ng brake pedal interlock shifting. Ngayon hindi mo na maaalis ang kambyo mula sa "Park" pag hindi ka na nakatapak sa preno. Magmula noon ay halos wala ng mga sumunod na kaso ng SUA hindi tulad noong 2011na halos buwan buwan ay may nare-report na kaso.

Mitsubishi Press Release

Dahil dito ay naging mas panatag ang loob ko sa bago kong bili na MS.

Sa ngayon ay hindi ako apektado ng SUA puwera lamang kung may mapatunayan ang mga eksperto na kahit isang kaso man lamang na may nag malfunction na old model na MS at hindi ito naayos sa bagong modelo. Pinapangako ko na sasama ako na magde - demand sa Mitsubishi Motors ng recall or repair.

Malapit na ang aking bakasyon at excited na ako sa aking GLS-V; naka-schedule na kaming bumiyahe muli sa Baguio.

Bilang isang OFW, isa ito sa matagal ko ng pangarap na natupad.  

Revised: 15 Dec 2015

Inakyat namin ng Baguio ang aming MS noong nakaraang Pasko. Apat na araw kami doon na nagpaikot ikot. Wala namang naging aberya sa aming byahe bagkus ay nag enjoy kaming lahat sa aming bagong family car. Natapos na rin and break-in period at nadala kona sa casa para sa 1000 km PMS.

Ngayong nasa trabaho na ulit ako ay na-mimiss ko na ang aming MS. Base sa aking karanasan, hindi na ako nagtataka kung bakit matagal na naging number 1 SUV ang MS sa Pilipinas. Para sa mga hindi sanay sa VGT tulad ko, nakakagulat ang lakas at hatak ng makina nito lalo na pag nasa 50 kph ka na at pumasok na ang VGT.

Update: 21 Jan 2016



Friday, November 27, 2015

Spotted - Petrol station in Chad

care for Euro 4 petrol?

Arriving at N'djamena city, the capital of Chad, I need to fly to Mondou airport; from here, another hour of land trip is needed before I reach Mangara Field, my jobsite.

On our way to Mangara, I was curious upon seeing these "stores" dotting the roads with display of glass bottles filled with murky liquid.

I asked some locals and they told me that these stores were actually "Petrol Station." Upon hearing that, I realized that I haven't seen any pump-operated petrol station outside N'djamena city. Playing with a famous idiom, necessity is the mother of ingenuity.


Tuesday, November 24, 2015

Isa ka bang Balik Manggagawa sa Non-Compliant Countries?

Mahigit 7 buwan na ang nakakaraan ng umuwi ako mula sa aking trabaho sa Yemen. Hindi na ako nakabalik dahil nagsimulang bombahin ang Yemen ng koalisyon isang linggo matapos akong umuwi para sa aking buwanang bakasyon.

Noong nakaraang buwan ng Hunyo ay tinawagan ako ng dati kong kumpanya at inalok ako ng kontrata sa Chad, Africa. Aking tinanggap ang alok dahil maganda naman ang sahod bukod pa sa 28/28 job rotation.

Dahil sa dati ko itong kumpanya ay dumulog ako sa Balik Manggagawa sa POEA para makakuha ng OEC o "Overseas Employment Certificate." Aking napagalaman na ang bansang Chad pala ay isa sa mga "non-compliant countries." Hindi pinapayagan na magtrabaho ang isang OFW sa mga non-compliant countries dahil sa kakulangan ng mga bansang ito ng mga legal protection o batas na magproprotekta sa mga foreign workers. Pero meron namang exemption sabi ng POEA, ang mga multi-national companies ay puede pa rin daw mag hire ng mga OFW. Mabuti na lamang at isang multi-national company ang aking employer.

Sa POEA Balik Manggagawa main office lamang makakakuha ng clearance ang mga nagtratrabaho sa mga non-compliant countries bago sila mabigyan ng OEC. Binigyan ako ng BM supervisor ng listahan ng mga dapat i-submit para makakuha ng clearance.

Una sa listahan ay ang paggawa ng sulat na naka-address kay Nini Lanto, Director ng Pre-Employment Services. Kailangang ipaliwanag ng aplikante kung bakit kailangan niyang magtrabaho as isang non-compliant na bansa.

Pangalawa ay "Company Profile." Karaniwan ito ay maaaring ma-download sa company website.

Pangatlo ay work visa. Karaniwan ay short o single-entry visa lamang ang itinatatak sa ating pasaporte upang mapabilis ang ating pag-alis katulad ng nangyari sa akin, nabigyan lamang ako ng 90 araw na long-entry visa. Kaya humingi ang BM ng "Letter of Guarantee" mula sa aking kumpanya na nagsasaad na ang aking work visa ay kanilang lalakarin pagdating ko sa bansang Chad.

Pangapat sa listahan ay mga kopya ng dokumento mula sa company tulad ng kontrata, work visa, insurance, plane ticket at iba pa.

Bukod sa mga nakasaad sa listahan ay nagdagdag pa ako ng 'Certificate of Re-Hire" mula sa aming kumpanya para katunayan na ako ay dati nilang manggagawa.

Kapag nakumpleto mo na ang mga nasa listahan, kasama and BM data sheet, ay kailangan mong i-submit ang mga ito sa POEA Balik Manggagawa window 8 o sa kanilang supervisor.

Kung kumpleto na lahat ng dokumento ay bibigyan ka ng BM supervisor ng numero na maaari mong tawagan para mag follow up ng iyong clearance. Karaniwan ay 3 working days bago ma-release ang clearance. Sa iyong pagbalik ay ipaalam mo sa security staff as labas ng opisina ng BM ang iyong pakay para mahanap niya as loob ang iyong clearance.

Sample clearance

Kapag na-release na ang iyong clearance ay maaari ng i-process ng BM and iyong OEC sa araw ding na yun.

Ang clearance ay may bisa lamang ng 3 buwan. Para sa aming mga may job rotation ng 28/28 days ay kailangan naming ulitin ang proseso sa paghingi ng clearance pagkatapos ng 3 buwan para makakuha muli ng OEC. Kaya importante na magkaroon kaagad ng kopya ng clearance kapag lumabas na ito para hindi na mahirap sa susunod na clearance application kung may naka-attach ng lumang kopya.

Pero sa mga matagal ang kontrata, sa inyong pagbakasyon ay lakarin ninyo agad ang bago ninyong clearance lalo na kung natapat na maraming holiday sa panahon ng inyong bakasyon.




Wednesday, November 18, 2015

Farewell my dear friend....


One final look at my GL
A few days back I bid goodbye to GL, an old and trusted friend. It was a 2008 Nissan Grand Livina, our first family car.

I vividly remember how elated I am when I first saw it at Nissan Gallery, Quezon Avenue. It was love at first sight.

Coming from a family where a college education is considered a luxury and finally realizing that I have now the capacity to own my first brand new car has made that day unforgettable as well.

Actually, after checking several MPVs and AUVs from other car brands, the wife and I were rooting for the larger Mitsubishi Fuzion. All necessary documents have been submitted to the car dealer but due to lack of time I opted to return back to my job abroad and postponed the deal. Furthermore, I decided to wait for the initial release of Nissan Grand Livina in June 2008 after reading positive reviews on the net.

Long story short, when I set my sights I was mesmerized by the plain beauty and exclusivity of Grand Livina; we were one of the first 10 owners of the said vehicle in the Philippines as confirmed by the car dealer.

The arrival of GL signaled the start of numerous road trips of my family. It brought us to as far as Pagudpod to the North ang Tagaytay to the South. Added to that were several trips to Subic and Baguio.

During one of our vacations at the City of Pines, I tried to push our luck at Mt. Sto Tomas where the Forevermore TV series was being shot since the wife and daughter were avid followers. Our car looked puny among the SUVs, AUVs and other powerful vehicles climbing the mountain overlooking Baguio City. Nevertheless, our GL didn't disappoint us. It never fails to amaze me how could a small and loaded car can conquer those steep trails.

On our first trip to Vigan, my rear right tire blew while cruising at 80 kph. Again, my GL withstood the test with flying colors though I lost several hours locating a brand new spare tire.

Coming from Laoag City where we celebrated Christmas in 2012, I drove for 15 hours back to Manila with several stop-overs; the only complaint I got from the family was the lack of vacant seats at McDonalds where we had our lunch. I never imagined that I would be able to drive for such long trip. That was the longest road trip we had until now.

One of my GL's trying moments was during typhoon Ondoy (Ketsana) in 2009. Fortunately, I was on vacation when this typhoon dumped a month of rains in less than a day. The flood water rose rapidly in our area. In the nick of time I drove GL towards higher ground on knee deep flooded road. My GL gurgled and roared like a crazy lion. We were the last one who were able to leave our place safely; plenty of my neighbors' cars went underwater. After the deluge, we rented an apartment because we need to renovate our house from bungalow into 3 story structure. As expected, my GL rose to the occasion. I never used another vehicle in transporting our belongings.

After that event, I found another noble use for my GL. The wife and daughter put up an online shop in 2012. To break into the market we joined several bazaars at Eton Place, UP Diliman, Miriam College and some other places. All our merchandises, mannequin and other equipment were transported comfortably and safely by our ever dependable GL.

Suffice to say, there's no denying that GL has been a valuable part of our family. It was there during my kids' Proms and graduations. When my mother-in-law was hospitalized and badly needs blood transfusion, my GL was with me in the middle of the night searching for appropriate blood type from different hospitals.

Until now, I am saddened to see another vehicle park in our garage. I missed those moments when I would open GL's hood and check its oils, battery and everything inside it.

Besides its monetary equivalent, car is arguably one of the most prized possessions of a man. Perhaps because he understands that it is an extension of his being. In my case, GL never fails to follow my mood; it can be lazy and crazy at times or like a stabbed rat when my adrenaline runs high. There were even instances when the wife became jealous whenever I asked about GL first when I am at work; of course, that was during the early years of GL.

My only remembrance from GL

To sum it all, there is no more fitting way to say goodbye to GL than saying "some good things never last." Adieu GL.

By the way, there is another saying - "good things come to those who wait." Bienvenue Terry!